Personal song. || SOLO 2012
Wanna Be Female Emcee from Spain. 100% Blood Pinay. Reppin' Tugmaan Records since 2010.
aka
Lyrics
Gusto ko nang makalaya at lahat ay kalimutan
kahit nagparaya kailangan na kong magpaalam
Ngunit di ko magawa, wala na kong lakas
Gusto ko nang iwanan at magsimula muli
hayaan sa nakaraan ang ating mali
Ngunit di ko magawa, wala na akong lakas
--
Hindi ko naisip na sa akin din 'to ay mangyayari
ang magmahal ng lubos at sa huli ako din ang mayayari
Kung sino pa ang pinakamahalaga sa buhay mo
siya din tong sasakit sayo na para bang damo
Matalas na Kutsilyo ang dumapo sa puso ko
nung biglang nanlamig ka na sa akin at nagbago
sa relasyon natin na matagal nang nagkakagulo
hindi ko agad namalayan na masakit na pala sa ulo
Ang lagi tayong nag-aaway at nagbabanggaan
tampuhan at iwasan nang walang katapusan
Kumukulo ang dugo ko sa twing naghaharapan
nawawala ang topic sa twing pinag uusapan
Kung ano nga ang mga mali sa ating samahan
kung paano ba Aayusin ay hindi na kakayanan
nang ating utak kakaisip ng bagong paraan
kaya sa dilim at sa sulok ang problema ay naiwan
CHORUS.
Gusto ko nang makalaya at lahat ay kalimutan
kahit nagparaya kailangan na kong magpaalam
Ngunit di ko magawa, wala na kong lakas
Gusto ko nang iwanan at magsimula muli
hayaan sa nakaraan ang ating mali
Ngunit di ko magawa, wala na akong lakas
--
Kaya ngayon ang gusto ko sana ay bumalik sa dati
yung naglalambingan at nag uusap tayo parati
di yung lagi na lang tayo'y may sariling mundo
parang hindi tayo magkatabi sa pagtulog
Invisible ba ko, yan ang lagi kong tanong
ba't 'di ako napapansin kahit kaharap ako
Sadyang malala na ang situasyon ng ating relasyon
hindi makapag move on dahil wala pang desisyon
Ano bang kailangan at dapat kong gawin
sa puntong ito wala na akong dapat harapin
dahil mali na ito, mali ang ipagpatuloy pato
kung ako lang lumalaban sa pag ibig naten to
Sablay diskarte mo, di mo ako mapapaamo
dahil laging wala ka sa twing hinahanap ko
ang taong dapat nasa tabi ko alam mo ba yon?
Pagod na kong umasa sa putang inang yon, jk lang.
CHORUS.
Gusto ko nang makalaya at lahat ay kalimutan
kahit nagparaya kailangan na kong magpaalam
Ngunit di ko magawa, wala na kong lakas
Gusto ko nang iwanan at magsimula muli
hayaan sa nakaraan ang ating mali
Ngunit di ko magawa, wala na akong lakas