Song for loved ones who passed away :)
I rap not for the fame but to stay in the game .
Story behind the song
to out loved ones who passed away . R.I.P. .
Lyrics
CHORUS:
Nasanay na akong nariyan ka sa aking tabi
Ngunit tila ba ang hapding dulot hindi mapawi
Dalangin na lang ba ang tanging paraang madama
Ang sayang dala nang ika'y nariyan pa
(J-king)
Yo
Yo parang kailan lang nang huli tayong magkita
At ang huling sinabi mo "Yo, Jking anong balita?"
Ngumiti nalang ako at di na kita nakamusta
Di ko alam na iyon ang huling pagkikita
Kung alam ko lang sana'y linubos-lubos ko na
Ang huling pagsasama nating dalawa
Masakit talaga at di ko tanggap na
Ikaw ay sumalangit na
Masakit man sa damdamin pero kelangang tanggapin
Kahit mahirap man ito ay aking kakayanin
Ang tulad mo kasi napakahirap limutin
Pero kahit ganon pa man ay magtitiis pa din
Sa pagtulog sa gabi nais ikaw ang katabi
At saking panaginip ay nandon ka din palagi
Miss na miss ko na kasi ang iyong mga labi
At ang iyong naggagandahang mga ngiti
Sana sa Diyos na Maykapal
Dalangin ko'y pakinggan
Sana'y makapiling pa namin ang aming minamahal
Kahit konting minuto lang para kami'y makapagpaalam
At sana'y malaman din namin ang tunay na katotohanan
Yeah
(Chorus)
(Ruzkha)
Naaalala ko ang nakaraang nariyan ka pa
Para bang wala akong pasan-pasang problema
Ngunit simula nang ika'y nawala
Pakiramdam ko bigla na akong nag-iisa
Hindi ko na malaman kung anong dapat gawin
Dinadama ko ang nag-ibang ihip ng hangin
Nagmumukmok sa sulok
Dama ko na ang takot
Hawak-hawak ang litrato mo
Patuloy nanlulumo
Papano ba ako magpapatuloy
Kung ang luha ko para sa iyo ay dumadaloy
Sa bawat lagapak ng luhang isinumpa
Katotohanang sinampal ng Diyos saking mukha
Mula pa pagkabata ako'y nangungulila
Kapag tinatanong ko sa iba wag daw mag.abala
Nakita rin kita ngunit saglit lang nagkasama
Bigla ka ng pumanaw kaya't nagbaliktanaw
Wala ka na, di ko to matatatnggap
Ang tadhana kong sinapit bakit napakasaklap
Iniisip ko pa rin sa tuwing nananalangin
Ang nakaraan, bat kay hirap nitong limutin
Alam kong nariyan ka lang para ako'y gabayan
Saan ka man ngayon asahan mong tatandaan
Di ko malilimot ang ating mga nakaraan
Kailanma'y hindi ako sayo magpapaalam