** Kanina pa kitang gustong gisingin
ngunit ang himbing ng iyong tulog
kanina pa kitang gustong pukawin
ngunit sa paglipas ng mga oras lalo ako sa iyo nahuhulog
Nais ko makita ang kislap ng iyong mga mata
Ibig ko hawakan ang iyong mga kamay
Gustong halikan ang iyong poisngi't mga labing kay tamis
Ngunit baka mawala ang iyong ngiti habang nananaginip
repeat **
Nais kong haplusin ang payapa mong mukha
ibig kong yakapin, yakapin din kita
Gustong halikan ang iyong poisngi't mga labing kay tamis
Ngunit baka mawala ang iyong ngiti habang nananaginip
Repeat **
Ano kaya? gisingin na ba kita?
Ano kaya? Aminin ko na?
Ano kaya? Ipagtapat ko na sayo
Mahal na nga, mahal na nga kita...