Abaddon
SINO ANG NILOLOKO MO?:)
Feb 2, 2012
san ba makakabili ng kasiyahan?
san ba makakahanap ng pang tanggal ng kahinaan?
san ba matatagpuan ang tindahan ng libangan?
ang kalungkutan kong pasan sino bang pwedeng pag iwanan?
kung iisipin mo talaga ay imposible,
pero para din sayo minsan matuto kang lokohin ang sarile,
komplikadong mga bagay pwede naman na maging simple,
mang hiram ng tapang sa bwitre o sa tigre,
pag pakiramdam mo at di mo na kaya,
tao ka lang pwedeng pwede kang mandaya,
problema mo ilabas mo lahat kay padre,
kung lolokohin mo ang sarili galingan mo ang pag arte,
magsuot ng maskara para kunwari masaya,
mata ay malungkot pero labi ang nagdadala,
ngiti lang sa pagsubok kahit inuulan ka na,
matutong kumalma kapag sumugod ang kaba,
minsan nagtatanga tangahan o naglalasing na lang,
pag di na talaga kaya makipag matigasan ng bagang,
kaya minsan ang mabait biglang nagiging halang,
pag ang pagsubok ay masiyado nang hadlang,
mas mabuti pa nga atang wala ka na lang alam,
ligtas ka sa kasalanang pinamana ni adan,
para masabing masaya bigla na lang magyayabang,
pero ang totoo talaga ay nakamaskara ka lang.
Share
Post comment
Like
BAGO MAN LAMANG MAG PAALAM ANG GABI
Feb 2, 2012
Bago man lamang magpaalam ang gabi
muli kong babalikan ang sandaling nandito ka pa saking tabi,
Ang alaala ng nagdaang mga maghapon
Kung kailan kasama pa kitang labanan ang mga hamon,
Tipunin parang dayami ang iyong mga ngiti at halakhak
na sindami ng dinulot ko sayong luha na pumatak,
ang iyong luha at pighati ay susunugin ko na sa apoy
upang ang mapait na pinagsamahan natin ay di ko na maamoy,
Ngayong malamig ang gabi kailangan ay mainitan
ang nanlalamig kong pusong tila may butas sa pagitan,
ako ay unti-unting niyayapos ng kadiliman
at kahiwagaan ng gabi ay di mawaglit sa isipan,
Sadyang nakakalungkot ang malamig na gabi
kulang na lang ibaba ang tala para lang may makatabi,
ang isiping nasa ulap ka ay para bang hibang
para lamang maibsan ang pangungulila kong tigang,
Bago man lamang matapos ang gabi
ako ay aawit sa isang tabi
lumbay na dalay susunugin sa kalan
para mabawasan ang pighating aking pasan,
Sa pagpanaw ng gabi at pagsilang ng araw
may tanong na kalakip na kung di ka na ba talaga dadalaw?
tayo ba ay biktima ng maling testamento ni kupido?
muli ka lamang magbalik lahat ng yan ay pupunitin ko.
Share
1 comment
Like
NAG IISA
Feb 2, 2012
Minsan sa buhay kelangan ding mapagisa,
pero di ibig sabihin nun na di ka na masaya,
sa laro minsan kelangan ikaw din ang taya,
para masabing bumangon ka kelangan mo ding madapa.
mas masarap na mag isip sa silid na masikip,
tahimik ang paligid habang mata'y nakapikit,
habang sa ding ding ikaw ay nakadikit,
tapos ang dalawang palad mo ay magkalapit.
dalawa lang naman ang pinakamasarap kausap,
sila yung madalas kasama mo sa paglipad sa ulap,
kasama mo sa sarap maging sa hirap,
ang sarili mo at ang diyos na di mo mahagilap.
kelangan ag buhay ay may direskyon at silbe,
kahit minsan ay ubos at tunaw ka na kelangan parin ay may sinde,
magbaril,maglaslas,maglason at magbigte,
yan ang dapat mong gawin pag biktima ka ng maling siste.
mga tao na bumubuo sayong pagkatao,
pagkahayop,pagkaanimal at pagkagago,
kasama mo lahat sa pagkapanalo at pagkatalo,
sikapin mong makasama hanggang sa huling pagsasalo.
Share
Post comment
Like